Genesis 9:23-29 Ang Salita ng Dios (ASND)

23. Kumuha sina Shem at Jafet ng damit at inilagay sa balikat nila, pagkatapos, lumakad sila nang paurong papasok sa tolda para takpan ang kanilang ama. Hindi sila lumingon dahil ayaw nilang makita ang kahubaran ng kanilang ama.

24. Nang mahimasmasan na si Noe sa pagkalasing niya, at nalaman kung ano ang ginawa ng bunsong anak niya,

25. sinabi niya;“Sumpain ka Canaan! Maghihirap ka at magiging alipin ng iyong mga kapatid.”

26. At sinabi rin niya,“Purihin ang Panginoon, ang Dios ni Shem.Nawaʼy maging alipin ni Shem si Canaan.

27. Nawaʼy palawakin ng Dios ang lupain ni Jafet,at maging mabuti ang pagsasama ng mga lahi niya at ng mga lahi ni Shem.At nawaʼy maging alipin din ni Jafet si Canaan.”

28. Nabuhay pa si Noe ng 350 taon pagkatapos ng baha.

29. Namatay siya sa edad na 950.

Genesis 9