Genesis 9:19-23 Ang Salita ng Dios (ASND)

19. Silang tatlo ang pinagmulan ng lahat ng tao sa mundo.

20. Si Noe ay isang magsasaka at siya ang unang nagtanim ng ubas.

21. Isang araw, uminom siya ng alak na mula sa ubas, at nalasing. Nakatulog siyang hubad sa loob ng kanyang tolda.

22. Ngayon, si Ham na ama ni Canaan ay pumasok sa tolda, at nakita niyang hubad ang kanyang ama. Kaya lumabas siya at sinabi ito sa dalawang kapatid niya.

23. Kumuha sina Shem at Jafet ng damit at inilagay sa balikat nila, pagkatapos, lumakad sila nang paurong papasok sa tolda para takpan ang kanilang ama. Hindi sila lumingon dahil ayaw nilang makita ang kahubaran ng kanilang ama.

Genesis 9