14. Sa tuwing gagawin kong maulap ang langit at lilitaw ang bahaghari,
15. aalalahanin ko agad ang kasunduan ko sa inyo at sa lahat ng uri ng hayop, na hindi ko na lilipuling muli sa pamamagitan ng baha ang lahat ng may buhay.
16. Tuwing lilitaw ang bahaghari sa mga ulap, aalalahanin ko agad ang walang hanggang kasunduan ko sa lahat ng may buhay sa mundo.”
17. Kaya sinabi ng Dios kay Noe, “Ang bahaghari ang siyang palatandaan ng kasunduan ko sa lahat ng nabubuhay sa mundo.”
18. Ito ang mga anak ni Noe na kasama niya sa barko: sina Shem, Ham at Jafet. (Si Ham ang ama ni Canaan.)
19. Silang tatlo ang pinagmulan ng lahat ng tao sa mundo.
20. Si Noe ay isang magsasaka at siya ang unang nagtanim ng ubas.
21. Isang araw, uminom siya ng alak na mula sa ubas, at nalasing. Nakatulog siyang hubad sa loob ng kanyang tolda.
22. Ngayon, si Ham na ama ni Canaan ay pumasok sa tolda, at nakita niyang hubad ang kanyang ama. Kaya lumabas siya at sinabi ito sa dalawang kapatid niya.
23. Kumuha sina Shem at Jafet ng damit at inilagay sa balikat nila, pagkatapos, lumakad sila nang paurong papasok sa tolda para takpan ang kanilang ama. Hindi sila lumingon dahil ayaw nilang makita ang kahubaran ng kanilang ama.
24. Nang mahimasmasan na si Noe sa pagkalasing niya, at nalaman kung ano ang ginawa ng bunsong anak niya,
25. sinabi niya;“Sumpain ka Canaan! Maghihirap ka at magiging alipin ng iyong mga kapatid.”
26. At sinabi rin niya,“Purihin ang Panginoon, ang Dios ni Shem.Nawaʼy maging alipin ni Shem si Canaan.