13. Noong unang araw ng unang buwan tuluyan nang bumaba ang tubig. Si Noe ay 601 taong gulang na noon. Binuksan niya ang takip ng barko at nakita niya na tuyo na ang lupa.
14. Nang ika-27 araw ng ikalawang buwan, tuyong-tuyo na talaga ang lupa sa buong mundo.
15. Sinabi agad ng Dios kay Noe,
16. “Lumabas na kayong lahat sa barko.
17. Palabasin nʼyo rin ang lahat ng hayop para dumami sila at mangalat sa buong mundo.”
18. Kaya lumabas si Noe kasama ang kanyang asawa, mga anak na lalaki at mga manugang niya.
19. Lumabas din ang lahat ng hayop: mga lumalakad, lumilipad at gumagapang. Magkakasama sila ayon sa kani-kanilang uri.