Genesis 7:17-18-24 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Magdala ka ng pitong pares sa bawat uri ng malinis na hayop, pero isang pares lang sa bawat uri ng maruming hayop.

3. At magdala ka rin ng pitong pares sa bawat uri ng ibon. Gawin mo ito para mabuhay sila sa mundo.

4. Sapagkat pagkatapos ng pitong araw mula ngayon, magpapaulan ako sa buong mundo sa loob ng 40 araw at 40 gabi, para mamatay ang lahat ng nilikha ko.”

5. Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng Panginoon sa kanya.

6. Nasa 600 taong gulang na si Noe nang dumating ang baha sa mundo.

7. Pumasok siya sa barko kasama ang asawa niya, mga anak na lalaki, at mga manugang para hindi sila mamatay sa baha.

17-18. Walang tigil ang ulan sa mundo sa loob ng 40 araw. Tumaas ang tubig hanggang sa lumutang ang barko.

19. Tumaas pa nang lubusan ang tubig hanggang matakpan ang lahat ng matataas na bundok.

20. At hanggang umabot sa mga pitong metro ang taas ng tubig mula sa tuktok ng pinakamataas na bundok.

21. Kaya namatay ang lahat ng may buhay – ang mga hayop na lumilipad, lumalakad, gumagapang at ang lahat ng tao.

22. Namatay ang lahat ng nabubuhay sa lupa.

23. Nalipol ang lahat ng tao at ang lahat ng hayop sa mundo. Si Noe lang at ang mga kasama niya sa loob ng barko ang hindi namatay.

24. Bumaha sa mundo sa loob ng 150 araw.

Genesis 7