Genesis 7:1-17-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Sinabi ng Panginoon kay Noe, “Pumasok ka sa barko kasama ng buong pamilya mo. Sapagkat sa lahat ng tao sa panahong ito, ikaw lang ang nakita kong matuwid.

10. At pagkalipas ng pitong araw, bumaha sa mundo.

11. Nang ika-17 araw ng ikalawang buwan, umulan ng napakalakas at umapaw ang lahat ng bukal. Si Noe ay 600 taong gulang na noon.

12. Umulan sa mundo sa loob ng 40 araw at 40 gabi.

13. Noong mismong araw na nagsimulang umulan, pumasok sa barko si Noe, ang asawa niya at ang tatlo nilang anak na sina Shem, Ham at Jafet kasama ang mga asawa nila.

14. Kasama rin nila ang lahat ng uri ng hayop: mga lumalakad, gumagapang at lumilipad.

15-16. Ayon sa iniutos ng Dios kay Noe, pinapasok niya sa barko ang bawat pares ng lahat ng uri ng hayop na lumalapit sa kanya. Pagkatapos, isinara ng Panginoon ang barko.

17-18. Walang tigil ang ulan sa mundo sa loob ng 40 araw. Tumaas ang tubig hanggang sa lumutang ang barko.

Genesis 7