Genesis 7:1-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Sinabi ng Panginoon kay Noe, “Pumasok ka sa barko kasama ng buong pamilya mo. Sapagkat sa lahat ng tao sa panahong ito, ikaw lang ang nakita kong matuwid.

2. Magdala ka ng pitong pares sa bawat uri ng malinis na hayop, pero isang pares lang sa bawat uri ng maruming hayop.

3. At magdala ka rin ng pitong pares sa bawat uri ng ibon. Gawin mo ito para mabuhay sila sa mundo.

4. Sapagkat pagkatapos ng pitong araw mula ngayon, magpapaulan ako sa buong mundo sa loob ng 40 araw at 40 gabi, para mamatay ang lahat ng nilikha ko.”

5. Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng Panginoon sa kanya.

6. Nasa 600 taong gulang na si Noe nang dumating ang baha sa mundo.

7. Pumasok siya sa barko kasama ang asawa niya, mga anak na lalaki, at mga manugang para hindi sila mamatay sa baha.

10. At pagkalipas ng pitong araw, bumaha sa mundo.

Genesis 7