Genesis 6:17-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

17. Sapagkat pababahain ko ang mundo para malipol ang lahat ng nabubuhay. Mamamatay ang lahat ng nasa mundo.

18. Pero gagawa ako ng kasunduan sa iyo. Papasok ka sa barko kasama ng asawa at ng mga anak mo pati ang mga asawa nila.

19. Magpapasok ka rin ng isang lalaki at babae sa bawat uri ng hayop para mabuhay sila kasama mo.

20. Dalawa sa bawat uri ng lahat ng hayop: mga lumilipad, lumalakad at gumagapang. Lalapit sila sa iyo para hindi sila mamatay.

21. Magdala ka rin ng lahat ng uri ng pagkain para sa inyo at para rin sa mga hayop.”

22. Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng Dios sa kanya.

Genesis 6