Genesis 5:9-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

9. Nang 90 taong gulang na si Enosh, isinilang ang anak niyang lalaki na si Kenan.

10. Matapos isilang si Kenan, nabuhay pa si Enosh ng 815 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

11. Namatay siya sa edad na 905.

12. Nang 70 taong gulang na si Kenan, isinilang ang anak niyang lalaki na si Mahalalel.

13. Matapos isilang si Mahalalel, nabuhay pa si Kenan ng 840 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

14. Namatay siya sa edad na 910.

15. Nang 65 taong gulang na si Mahalalel, isinilang ang anak niyang lalaki na si Jared.

16. Matapos isilang si Jared, nabuhay pa si Mahalalel ng 830 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

Genesis 5