Genesis 5:26-32 Ang Salita ng Dios (ASND)

26. Matapos isilang si Lamec, nabuhay pa si Metusela ng 782 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

27. Namatay siya sa edad na 969.

28. Nang 182 taong gulang na si Lamec, isinilang ang isa niyang anak na lalaki.

29. Sinabi niya, “Ang anak kong ito ay makakatulong sa mga kahirapan natin dahil sa pagsumpa ng Panginoon sa lupa, kaya papangalanan ko siyang Noe.”

30. Matapos isilang si Noe, nabuhay pa si Lamec ng 595 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

31. Namatay siya sa edad na 777.

32. Nang 500 taong gulang na si Noe, isinilang ang mga anak niyang lalaki na sina Shem, Ham, at Jafet.

Genesis 5