3. Nang 130 taong gulang na si Adan, isinilang ang kanyang anak na kawangis niya. Pinangalanan niya itong Set.
4. Matapos isilang si Set, nabuhay pa si Adan ng 800 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
5. Namatay siya sa edad na 930.
6. Nang 105 taong gulang na si Set, isinilang ang anak niyang lalaki na si Enosh.
7. Matapos isilang si Enosh, nabuhay pa si Set ng 807 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
8. Namatay siya sa edad na 912.
9. Nang 90 taong gulang na si Enosh, isinilang ang anak niyang lalaki na si Kenan.
22-24. Matapos isilang si Metusela, nabuhay pa si Enoc ng 300 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Nang panahong iyon, malapit ang relasyon ni Enoc sa Dios. Nasa 365 taong gulang siya nang siyaʼy nawala, dahil kinuha siya ng Dios.
25. Nang 187 taong gulang na si Metusela, isinilang ang anak niyang lalaki na si Lamec.
26. Matapos isilang si Lamec, nabuhay pa si Metusela ng 782 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
27. Namatay siya sa edad na 969.