17. Namatay siya sa edad na 895.
18. Nang 162 taong gulang na si Jared, isinilang ang anak niyang lalaki na si Enoc.
19. Matapos isilang si Enoc, nabuhay pa si Jared ng 800 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
20. Namatay siya sa edad na 962.
21. Nang 65 taong gulang na si Enoc, isinilang ang anak niyang lalaki na si Metusela.
22-24. Matapos isilang si Metusela, nabuhay pa si Enoc ng 300 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Nang panahong iyon, malapit ang relasyon ni Enoc sa Dios. Nasa 365 taong gulang siya nang siyaʼy nawala, dahil kinuha siya ng Dios.
25. Nang 187 taong gulang na si Metusela, isinilang ang anak niyang lalaki na si Lamec.
26. Matapos isilang si Lamec, nabuhay pa si Metusela ng 782 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
27. Namatay siya sa edad na 969.
28. Nang 182 taong gulang na si Lamec, isinilang ang isa niyang anak na lalaki.
29. Sinabi niya, “Ang anak kong ito ay makakatulong sa mga kahirapan natin dahil sa pagsumpa ng Panginoon sa lupa, kaya papangalanan ko siyang Noe.”
30. Matapos isilang si Noe, nabuhay pa si Lamec ng 595 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
31. Namatay siya sa edad na 777.
32. Nang 500 taong gulang na si Noe, isinilang ang mga anak niyang lalaki na sina Shem, Ham, at Jafet.