13. Matapos isilang si Mahalalel, nabuhay pa si Kenan ng 840 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
14. Namatay siya sa edad na 910.
15. Nang 65 taong gulang na si Mahalalel, isinilang ang anak niyang lalaki na si Jared.
16. Matapos isilang si Jared, nabuhay pa si Mahalalel ng 830 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
17. Namatay siya sa edad na 895.
18. Nang 162 taong gulang na si Jared, isinilang ang anak niyang lalaki na si Enoc.
19. Matapos isilang si Enoc, nabuhay pa si Jared ng 800 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
20. Namatay siya sa edad na 962.