Genesis 46:8-26 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Ito ang mga pangalan ng mga Israelitang pumunta sa Egipto:Si Jacob, ang panganay niyang anak na si Reuben;

9. ang mga anak ni Reuben:sina Hanoc, Palu, Hezron at Carmi.

10. Si Simeon at ang mga anak niya:sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jakin, Zohar at si Shaul na anak ng isang Cananea.

11. Si Levi at ang mga anak niya:sina Gershon, Kohat at Merari.

12. Si Juda at ang mga anak niya:sina Er, Onan, Shela, Perez at Zera. (Pero si Er at Onan ay namatay sa Canaan.)Ang mga anak ni Perez:sina Hezron at Hamul.

13. Ang mga ito ay kasama rin sa Egipto:si Isacar at ang mga anak niyang sina Tola, Pua, Iob at Shimron.

14. Si Zebulun at ang mga anak niya:sina Sered, Elon at Jaleel.

15. Sila ang 33 anak at apo ni Jacob kay Lea na ipinanganak sa Padan Aram, at hindi kabilang ang anak niyang babae na si Dina.

16. Ang mga ito ay kasama rin sa Egipto:si Gad at ang mga anak niyang sina Zefon, Hagi, Shuni, Ezbon, Eri, Arodi at Areli.

17. Si Asher at ang mga anak niyang sina Imna, Ishva, Ishvi at Beria.Ang kapatid nilang babae na si Sera.Ang mga anak ni Beria na sina Heber at Malkiel.

18. Sila ang 16 na anak at apo ni Jacob kay Zilpa, ang alipin na ibinigay ni Laban kay Lea.

19. Ang mga anak ni Jacob kay Raquel:sina Jose at Benjamin.

20. Ang mga anak ni Jose kay Asenat na ipinanganak sa Egipto na sina Manase at Efraim. (Si Asenat ay anak na babae ni Potifera na pari sa lungsod ng On.)

21. Ang mga anak ni Benjamin:sina Bela, Beker, Ashbel, Gera, Naaman, Ehi, Rosh, Mupim, Hupim at Ard.

22. Sila ang 14 na anak at apo ni Jacob kay Raquel.

23. Ang mga ito ay kasama rin sa Egipto:si Dan at ang anak niyang si Hushim.

24. Si Naftali at ang mga anak niya:sina Jahziel, Guni, Jezer at Shilem.

25. Sila ang pitong anak at apo ni Jacob kay Bilha, ang alipin na ibinigay ni Laban kay Raquel.

26. Ang bilang ng lahat ng anak at apo ni Jacob na pumunta sa Egipto ay 66. Hindi pa kabilang dito ang mga asawa ng kanyang mga anak.

Genesis 46