Genesis 46:1-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Umalis si Jacob papuntang Egipto kasama ang sambahayan niya na dala ang lahat ng kanyang ari-arian. Pagdating niya sa Beersheba, naghandog siya sa Dios ng ama niyang si Isaac.

2. Kinagabihan, nakipag-usap ang Dios sa kanya sa pamamagitan ng isang pangitain. Tinawag ng Dios si Jacob, at sumagot si Jacob sa kanya.

3. Pagkatapos, sinabi niya, “Ako ang Dios, na siyang Dios ng iyong ama. Huwag kang matakot pumunta sa Egipto, dahil gagawin ko kayong isang kilalang bansa roon.

4. Ako mismo ang kasama mo sa pagpunta sa Egipto at muli kitang ibabalik dito sa Canaan. At kung mamamatay ka na, nandiyan si Jose sa iyong tabi.”

5. Pinasakay si Jacob ng mga anak niya sa karwaheng ibinigay ng Faraon para sakyan niya. Pinasakay din nila ang mga asawaʼt anak nila, at lumipat sila mula sa Beersheba.

8. Ito ang mga pangalan ng mga Israelitang pumunta sa Egipto:Si Jacob, ang panganay niyang anak na si Reuben;

9. ang mga anak ni Reuben:sina Hanoc, Palu, Hezron at Carmi.

10. Si Simeon at ang mga anak niya:sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jakin, Zohar at si Shaul na anak ng isang Cananea.

11. Si Levi at ang mga anak niya:sina Gershon, Kohat at Merari.

12. Si Juda at ang mga anak niya:sina Er, Onan, Shela, Perez at Zera. (Pero si Er at Onan ay namatay sa Canaan.)Ang mga anak ni Perez:sina Hezron at Hamul.

13. Ang mga ito ay kasama rin sa Egipto:si Isacar at ang mga anak niyang sina Tola, Pua, Iob at Shimron.

14. Si Zebulun at ang mga anak niya:sina Sered, Elon at Jaleel.

Genesis 46