Genesis 36:28-34 Ang Salita ng Dios (ASND)

28. Ang mga anak na lalaki ni Dishan ay sina Uz at Aran.

29-30. Ito naman ang mga pinuno batay sa bawat lahi ng mga Horeo na may pinamamahalaang lupain sa Seir: sina Lotan, Shobal, Zibeon, Ana, Dishon, Ezer at Dishan.

31. Ito ang mga hari ng Edom noong panahon na wala pang mga hari ang mga Israelita:

32. Si Bela na taga-Dinhaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom.

33. Pagkamatay ni Bela, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bozra.

34. Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husham na taga-Teman.

Genesis 36