Genesis 36:27-33 Ang Salita ng Dios (ASND)

27. Ang mga anak na lalaki ni Ezer ay sina Bilhan, Zaavan at Akan.

28. Ang mga anak na lalaki ni Dishan ay sina Uz at Aran.

29-30. Ito naman ang mga pinuno batay sa bawat lahi ng mga Horeo na may pinamamahalaang lupain sa Seir: sina Lotan, Shobal, Zibeon, Ana, Dishon, Ezer at Dishan.

31. Ito ang mga hari ng Edom noong panahon na wala pang mga hari ang mga Israelita:

32. Si Bela na taga-Dinhaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom.

33. Pagkamatay ni Bela, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bozra.

Genesis 36