21. Nagpatuloy sina Jacob sa kanilang paglalakbay. Pagdating nila sa kabilang panig ng Migdal Eder, nagtayo sila roon ng mga tolda nila.
22. Habang nakatira roon sila Jacob, sumiping si Reuben kay Bilha na isa sa mga asawa ng kanyang ama. Nang malaman iyon ni Jacob, galit na galit siya.May 12 Anak na lalaki si Jacob.
23. Ang mga anak niya kay Lea ay sina Reuben na panganay, pagkatapos ay sina Simeon, Levi, Juda, Isacar at Zebulun.
24. Ang mga anak niya kay Raquel ay sina Jose at Benjamin.
25. Ang mga anak niya kay Bilha na alipin ni Raquel ay sina Dan at Naftali.
26. Ang mga anak niya kay Zilpa na alipin ni Lea ay sina Gad at Asher.Silang lahat ang anak na lalaki ni Jacob na isinilang sa Padan Aram.
27. Pumunta si Jacob sa ama niyang si Isaac sa Mamre, malapit sa Kiriat Arba (na tinatawag ding Hebron). Ito ang lugar na tinitirhan ni Isaac na siya ring tinitirhan noon ni Abraham.
28. Nabuhay si Isaac ng 180 taon.
29. Namatay siya sa katandaan na kontento sa kanyang buhay, at kasama na ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na. Inilibing siya ng mga anak niyang sina Esau at Jacob.