Genesis 33:14-20 Ang Salita ng Dios (ASND)

14. Ang mabuti pa, mauna ka na lang sa amin. Susunod kami sa iyo ayon sa bilis ng mga bata at ng mga hayop na kasabay namin. Doon na lang tayo magkita sa Seir.”

15. Sinabi ni Esau, “Kung ganoon, ipapaiwan ko na lang ang iba kong mga tauhan sa iyo.”Sumagot si Jacob, “Hindi na kailangan. Ang mahalaga pinatawad mo na ako.”

16. Kaya bumalik na lang si Esau sa Seir nang mismong araw na iyon.

17. Pero sina Jacob ay pumunta sa Sucot. Pagdating nila roon, gumawa si Jacob ng tirahan at ginawaan din niya ng silungan ang mga hayop niya. Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na Sucot.

18. Hindi nagtagal, nakarating din sila sa Canaan mula sa Padan Aram na walang masamang nangyari sa kanila. Nakarating sila sa lungsod na pagmamay-ari ni Shekem. Nagpatayo sila ng mga tolda nila malapit sa lungsod.

19. Ang lupaing pinagtayuan nila ng mga tolda ay binili ni Jacob sa mga anak ni Hamor sa halagang 100 pirasong pilak. Si Hamor ay ama ni Shekem.

20. Gumawa si Jacob ng altar na pinangalanan niyang El Elohe Israel.

Genesis 33