Genesis 32:26-32 Ang Salita ng Dios (ASND)

26. At sinabi ng tao, “Bitawan mo na ako dahil mag-uumaga na.”Pero sumagot si Jacob, “Hindi kita bibitawan hanggaʼt hindi mo ako babasbasan.”

27. Nagtanong ang tao sa kanya, “Anong pangalan mo?”Sumagot siya, “Jacob.”

28. Sinabi ng tao, “Simula ngayon hindi na Jacob ang pangalan mo kundi Israel na dahil nakipagbuno ka sa Dios at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.”

29. Nagtanong din si Jacob sa kanya, “Sabihin mo rin sa akin ang pangalan mo.”Pero sumagot ang tao, “Huwag mo nang itanong ang pangalan ko.” Pagkatapos, binasbasan niya si Jacob doon.

30. Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Peniel, dahil sinabi niya, “Nakita ko ang mukha ng Dios pero buhay pa rin ako.”

31. Sumisikat na ang araw nang umalis si Jacob sa Peniel. Pipilay-pilay siya dahil nalinsad ang buto niya sa balakang.

32. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ang mga Israelita ay hindi kumakain ng litid sa magkatapat na buto sa balakang ng hayop. Sapagkat sa bahaging iyon pinisil ng Dios si Jacob.

Genesis 32