18. Tumira ang mga angkan niya sa mga lugar na galing sa Havila hanggang sa Shur, sa silangan ng Egipto na papunta sa Asiria. Kinalaban nila ang lahat ng kamag-anak nila na mga lahi ni Isaac.
19. Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Isaac na anak ni Abraham.
20. Si Isaac ay 40 taong gulang nang napangasawa niya si Rebeka na anak ni Betuel na Arameo na taga-Padan Aram. Si Rebeka ay kapatid ni Laban na Arameo rin.
21. Dahil baog si Rebeka, nanalangin si Isaac sa Panginoon na magkaanak ito. Tinugon ng Panginoon ang dalangin niya, kaya nagbuntis si Rebeka.
22. Naramdaman niya na nagtutulakan ang kambal na sanggol sa loob ng kanyang tiyan. Sinabi ni Rebeka, “Kung ganyan lang ang mangyayari sa kanila pagdating ng panahon mabuti pang mamatay na lang ako.” Kaya nagtanong siya sa Panginoon tungkol dito. Sinabi sa kanya ng Panginoon,
23. “Manggagaling sa dalawang sanggol na nasa tiyan mo ang dalawang bansa;dalawang grupo ng mga tao na maglalaban-laban.Ang isaʼy magiging makapangyarihan kaysa sa isa.Ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata niyang kapatid.”
24. Nang nanganak na si Rebeka, kambal ang anak niya.
25. Ang unang lumabas ay mapula-pula at balbon, kaya pinangalanan nila siyang Esau.