Genesis 25:13-20 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ishmael mula sa pinakamatanda: Nebayot, Kedar, Adbeel, Mibsam,

14. Mishma, Duma, Masa,

15. Hadad, Tema, Jetur, Nafis at Kedema.

16. Sila ang mga anak ni Ishmael at naging pinuno ng 12 niyang angkan. Ang mga pangalan nila ay ang ipinangalan sa ibaʼt ibang lugar na kanilang tinitirhan.

17. Nabuhay si Ishmael ng 137 taon. Namatay siya at kasama na ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na.

18. Tumira ang mga angkan niya sa mga lugar na galing sa Havila hanggang sa Shur, sa silangan ng Egipto na papunta sa Asiria. Kinalaban nila ang lahat ng kamag-anak nila na mga lahi ni Isaac.

19. Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Isaac na anak ni Abraham.

20. Si Isaac ay 40 taong gulang nang napangasawa niya si Rebeka na anak ni Betuel na Arameo na taga-Padan Aram. Si Rebeka ay kapatid ni Laban na Arameo rin.

Genesis 25