Genesis 25:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Nag-asawa ulit si Abraham, at ang pangalan ng asawa niya ay Ketura.

2. Ang mga anak nila ay sina Zimran, Jokshan, Medan, Midian, Ishbak at Shua.

3. Si Jokshan ang ama nina Sheba at Dedan. Ang mga lahi ni Dedan ay ang mga Asureo, Letuseo, at Leumeo.

4. Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa. Silang lahat ang mga lahi ni Ketura.

Genesis 25