Genesis 21:25-34 Ang Salita ng Dios (ASND)

25. Pero dumaing si Abraham kay Abimelec tungkol sa balon na inagaw ng mga alipin niya.

26. Sinabi ni Abimelec, “Hindi ko alam kung sino ang gumawa niyan. Hindi mo naman ako sinabihan, at ngayon ko lang nalaman iyon.”

27. Kaya kumuha si Abraham ng mga tupa at baka, at ibinigay niya kay Abimelec. Pagkatapos, gumawa silang dalawa ng kasunduan.

28. Kumuha rin si Abraham ng pitong babaeng tupa at ibinukod ito.

29. Nagtanong si Abimelec, “Para kanino ang pitong babaeng tupa na ibinukod mo?”

30. Sumagot si Abraham, “Tanggapin mo ang pitong babaeng tupa na ito bilang katibayan na ako ang naghukay ng balong iyan.”

31. Dahil sa sumpaan nila, ang lugar na iyon ay tinawag na Beersheba.

32. Pagkatapos ng sumpaan nila roon sa Beersheba, bumalik si Abimelec at si Picol sa lupain ng mga Filisteo.

33. Nagtanim si Abraham ng isang punongkahoy na tamarisko roon sa Beersheba at sumamba siya sa Panginoon, ang Dios na walang hanggan.

34. Nanirahan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo sa mahabang panahon.

Genesis 21