1. Natapos likhain ng Dios ang kalangitan, ang mundo at ang lahat ng naroon.
2. Natapos niya ito sa loob ng anim na araw at nagpahinga siya sa ikapitong araw.
3. Binasbasan niya ang ikapitong araw at itinuring na di-pangkaraniwang araw, dahil sa araw na ito nagpahinga siya nang matapos niyang likhain ang lahat.
4. Ito ang salaysay tungkol sa paglikha ng Dios sa kalangitan at sa mundo.Nang likhain ng Panginoong Dios ang mundo at ang kalangitan,
5. wala pang tanim sa mundo at wala pang binhi ng anumang halaman ang nabubuhay, dahil hindi pa siya nagpapaulan at wala pang tao na mag-aalaga ng lupa.
6. Pero kahit wala pang ulan, ang mga bukal sa mundo ang siyang bumabasa sa lupa.
7. Nilikha ng Panginoong Dios ang tao mula sa lupa. Hiningahan niya sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buhay na nilalang.
8. Pagkatapos, nilikha rin ng Panginoong Dios ang isang halamanan sa Eden, sa bandang silangan, at doon niya pinatira ang tao na nilikha niya.