Genesis 19:33-38 Ang Salita ng Dios (ASND)

33. Kaya nang gabing iyon, nilasing nila ang kanilang ama. Pagkatapos, sumiping ang panganay na anak sa kanyang ama. Pero dahil sa sobrang kalasingan ni Lot, hindi niya namalayan kung ano ang nangyayari.

34. Kinabukasan, sinabi ng panganay sa nakababata niyang kapatid, “Sumiping na ako kagabi sa ating ama. At ngayong gabi muli natin siyang painumin ng alak hanggang sa malasing siya, at ikaw naman ang sumiping sa kanya para tayong dalawa ay magkaanak sa pamamagitan niya.”

35. Kaya nang gabing iyon, muli nilang nilasing ang kanilang ama at ang nakababatang kapatid naman ang sumiping sa kanya. At sa sobrang kalasingan, hindi rin niya namalayan kung ano ang nangyayari.

36. Sa ganoong paraan, nabuntis ang dalawang anak ni Lot sa pamamagitan niya.

37. Dumating ang panahon, nanganak ang panganay ng isang lalaki at pinangalanan niyang Moab. Siya ang pinagmulan ng lahi ng Moabita.

38. Nanganak din ang nakababatang kapatid ng isang lalaki at pinangalanan niyang Ben Ami. Siya ang pinagmulan ng lahi ng Ammonita.

Genesis 19