24. Biglang pinaulanan ng Panginoon ng naglalagablab na asupre ang Sodom at Gomora.
25. Nilipol ng Panginoon ang dalawang lungsod at ang buong kapatagan. Namatay ang lahat ng nakatira roon pati ang lahat ng tanim.
26. Lumingon ang asawa ni Lot, kaya ginawa siyang haliging asin.
27. Kinaumagahan, dali-daling pumunta si Abraham sa lugar kung saan siya nakipag-usap sa Panginoon.
28. Minasdan niya ang Sodom at Gomora, at ang buong kapatagan. Nakita niya ang usok na pumapaitaas mula sa lupa na parang usok na nagmula sa isang malaking hurno.