Genesis 17:21-25 Ang Salita ng Dios (ASND)

21. Kaya lang, ang kasunduan ko sa iyo ay tutuparin ko lang kay Isaac at sa mga lahi niya. Ipapanganak ni Sara si Isaac sa ganito ring panahon sa susunod na taon.”

22. Umalis ang Dios pagkatapos niyang sabihin kay Abraham ang mga ito.

23. Sa mismong araw na iyon, tinupad ni Abraham ang iniutos sa kanya ng Dios. Tinuli niya ang anak niyang si Ishmael at ang lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan: ang mga aliping isinilang sa tahanan niya at ang mga aliping binili niya.

24. Si Abraham ay 99 na taong gulang nang tuliin siya,

25. at si Ishmael naman ay 13 taong gulang na.

Genesis 17