8. Tinanong siya ng anghel, “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka ba nanggaling at saan ka pupunta?”Sumagot siya, “Lumayas po ako sa amo kong si Sarai.”
9. Sinabi ng anghel sa kanya, “Bumalik ka sa amo mo at magpakumbaba ka sa kanya.”
10. Pagkatapos, sinabi pa ng anghel,“Pararamihin ko ang lahi mo na ang dami nilaʼy hindi mabibilang.”
11. At sinabi pa ng anghel ng Panginoon sa kanya,“Buntis ka na at hindi magtatagal ay magkakaanak ka ng lalaki. Pangangalanan mo siyang Ishmael, dahil pinakinggan ng Panginoon ang pagtawag mo sa kanya dahil sa iyong pagtitiis.
12. Pero ang anak mo ay mabubuhay na katulad ng isang asnong-gubat. Kakalabanin niya ang lahat, at ang lahat ay lalaban sa kanya. Kahit ang mga kamag-anak niya ay lalaban sa kanya.”