Genesis 15:6-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Nanalig si Abram sa Panginoon. At dahil dito, itinuring siyang matuwid.

7. Sinabi pa niya kay Abram, “Ako ang Panginoon na nag-utos sa iyo na lisanin ang Ur na sakop ng mga Caldeo para ibigay sa iyo ang lupaing ito at magiging pag-aari mo.”

8. Pero sinabi ni Abram, “O Panginoong Dios, paano ko po malalaman na magiging akin ito?”

9. Sumagot ang Panginoon, “Dalhan mo ako rito ng isang dumalagang baka, isang babaeng kambing, at isang lalaking tupa, na ang bawat isaʼy tatlong taon ang gulang. At magdala ka rin ng isang inakay na batu-bato at isang inakay na kalapati.”

10. Kaya dinala ni Abram ang lahat ng ito sa Panginoon. Pagkatapos, pinaghati-hati niya at inilapag sa gitna na magkakatapat ang bawat kabiyak. Ang batu-bato lamang at ang kalapati ang hindi niya hinati.

Genesis 15