15. Ang lahat ng lupain na maaabot ng paningin mo ay ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo, at magiging inyo ito magpakailanman.
16. Pararamihin ko ang lahi mo na kasindami ng buhangin sa mundo. Ang buhangin ay hindi kayang bilangin, kaya ang mga lahi mo ay hindi rin mabibilang.
17. Lumakad ka at ikutin ang buong lupain dahil ibibigay ko itong lahat sa iyo.”
18. Kaya inilipat ni Abram ang tolda niya, at doon siya nanirahan malapit sa malalaking puno ni Mamre roon sa Hebron, at gumawa siya roon ng altar para sa Panginoon.