11. Nang paparating na sila sa Egipto, sinabi ni Abram sa kanyang asawa, “Sarai, maganda kang babae.
12. Kapag nakita ka ng mga Egipcio, sasabihin nila na asawa kita, kaya papatayin nila ako para makuha ka nila.
13. Mabuti sigurong sabihin mo sa kanila na magkapatid tayo para hindi nila ako patayin at para maging mabuti ang pakikitungo nila sa akin dahil sa iyo.”
14. Kaya pagdating nila sa Egipto, nakita nga ng mga Egipcio ang kagandahan ni Sarai.
15. At nang makita siya ng mga opisyal ng Faraon, sinabi nila sa hari kung gaano siya kaganda. Kaya dinala si Sarai roon sa palasyo.
16. Dahil kay Sarai, naging mabuti ang pakikitungo ng hari kay Abram at binigyan pa siya ng mga tupa, kambing, baka, asno, kamelyo at mga alipin.