Genesis 11:7-27 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. Kaya bumaba tayo. Pag-iba-ibahin natin ang wika nila para hindi sila magkaintindihan.”

8. Kaya pinangalat sila ng Panginoon sa buong mundo dahil hindi na sila magkaintindihan, at nahinto ang pagtatayo nila ng lungsod.

9. Ang lungsod na ito ay tinawag na Babel dahil doon pinag-iba-iba ng Panginoon ang wika ng mga tao, at mula roon ay pinangalat niya sila sa buong mundo.

10. Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Shem:Dalawang taon pagkatapos ng baha, nasa 100 taong gulang na noon si Shem, nang isilang ang anak niyang lalaki na si Arfaxad.

11. Matapos isilang si Arfaxad, nabuhay pa si Shem ng 500 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

12. Nang 35 taong gulang na si Arfaxad, isinilang ang anak niyang lalaki na si Shela.

13. Matapos isilang si Shela, nabuhay pa si Arfaxad ng 403 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

14. Nang 30 taong gulang na si Shela, isinilang ang anak niyang lalaki na si Eber.

15. Matapos isilang si Eber, nabuhay pa si Shela ng 403 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

16. Nang 34 taong gulang na si Eber, isinilang ang anak niyang lalaki na si Peleg.

17. Matapos isilang si Peleg, nabuhay pa si Eber ng 430 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

18. Nang 30 taong gulang na si Peleg, isinilang ang anak niyang lalaki na si Reu.

19. Matapos isilang si Reu, nabuhay pa si Peleg ng 209 na taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

20. Nang 32 taong gulang na si Reu, isinilang ang anak niyang lalaki na si Serug.

21. Matapos isilang si Serug, nabuhay pa si Reu ng 207 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

22. Nang 30 taong gulang na si Serug, isinilang ang anak niyang lalaki na si Nahor.

23. Matapos isilang si Nahor, nabuhay pa si Serug ng 200 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

24. Nang 29 taong gulang na si Nahor, isinilang ang anak niyang lalaki na si Tera.

25. Matapos isilang si Tera, nabuhay pa si Nahor ng 119 na taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

26. Nang 70 taong gulang na si Tera, isinilang ang mga anak niyang lalaki na sina Abram, Nahor at Haran.

27. Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Tera:Si Tera ang ama nina Abram, Nahor at Haran. Si Haran ang ama ni Lot.

Genesis 11