4. Ang mga anak naman ni Javan ay sina Elisha, Tarshish, Kitim at Dodanim.
5. Ito ang mga lahi ni Jafet. Sila ang pinagmulan ng mga tao na nakatira sa mga dalampasigan at mga isla. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa sarili nilang lugar na sakop ng bansa nila, at may sarili silang wika.
6. Ang mga anak ni Ham na lalaki ay sina Cush, Mizraim, Put at Canaan.
7. Si Cush ay may mga anak din na lalaki na sina Sheba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak ni Raama ay sina Sheba at Dedan.