Genesis 10:23-32 Ang Salita ng Dios (ASND)

23. Ang mga anak ni Aram:sina Uz, Hul, Geter at Meshec.

24. Si Arfaxad ang ama ni Shela, at si Shela ang ama ni Eber.

25. May dalawang anak na lalaki si Eber: ang isa ay pinangalanang Peleg, dahil noong panahon niya, ang mga tao sa mundo ay nagkahati-hati; ang pangalan naman ng kanyang kapatid ay Joktan.

26. Si Joktan ang ama nina Almodad, Shelef, Hazarmavet, Jera,

27. Hadoram, Uzal, Dikla,

28. Obal, Abimael, Sheba,

29. Ofir, Havila at Jobab. Silang lahat ang anak ni Joktan.

30. Ang lupaing tinitirhan nila ay mula sa Mesha at papunta sa Sefar, sa kabundukan sa silangan.

31. Ito ang mga lahi ni Shem. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa sarili nilang lupain na sakop ng kanilang bansa, at may sarili silang wika.

32. Ito ang lahat ng lahi ng mga anak ni Noe, na nasa ibaʼt ibang bansa. Sa kanila nagmula ang mga bansa sa buong mundo pagkatapos ng baha.

Genesis 10