Genesis 10:22-30 Ang Salita ng Dios (ASND)

22. Ang mga anak na lalaki ni Shem:sina Elam, Ashur, Arfaxad, Lud at Aram.

23. Ang mga anak ni Aram:sina Uz, Hul, Geter at Meshec.

24. Si Arfaxad ang ama ni Shela, at si Shela ang ama ni Eber.

25. May dalawang anak na lalaki si Eber: ang isa ay pinangalanang Peleg, dahil noong panahon niya, ang mga tao sa mundo ay nagkahati-hati; ang pangalan naman ng kanyang kapatid ay Joktan.

26. Si Joktan ang ama nina Almodad, Shelef, Hazarmavet, Jera,

27. Hadoram, Uzal, Dikla,

28. Obal, Abimael, Sheba,

29. Ofir, Havila at Jobab. Silang lahat ang anak ni Joktan.

30. Ang lupaing tinitirhan nila ay mula sa Mesha at papunta sa Sefar, sa kabundukan sa silangan.

Genesis 10