Genesis 10:17-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

17. Hiveo, Arkeo, Sineo,

18. Arvadeo, Zemareo, at Hamateo.Sa bandang huli, nangalat ang mga lahi ni Canaan.

19. Ang hangganan ng lupain nila ay mula sa Sidon papuntang Gerar hanggang sa Gaza, at umabot sa Sodom, Gomora, Adma, Zeboyim at hanggang sa Lasha.

20. Ito ang mga lahi ni Ham. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa kanilang sariling lupain na sakop ng kanilang bansa, at may sarili silang wika.

21. Si Shem na nakatatandang kapatid ni Jafet ang pinagmulan ng lahat ng Eber.

22. Ang mga anak na lalaki ni Shem:sina Elam, Ashur, Arfaxad, Lud at Aram.

Genesis 10