Genesis 10:10-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

10. Ang unang kaharian na pinamahalaan ni Nimrod ay ang Babilonia, Erec, Akad. Ang lahat ng ito ay sakop ng Shinar.

11. Mula sa mga lugar na iyon, pumunta siya sa Asiria at itinayo ang Nineve, Rehobot Ir, Cala,

12. at Resen na nasa gitna ng Nineve at ng Cala na isang tanyag na lungsod.

13. Si Mizraim ang pinagmulan ng mga Ludeo, Anameo, Lehabeo, Naftu,

14. Patruseo, Caslu at ng Caftoreo na siyang pinagmulan ng mga Filisteo.

15. Si Canaan ang ama nina Sidon at Het. Si Sidon ang kanyang panganay.

16. Si Canaan ang siya ring pinagmulan ng mga Jebuseo, Amoreo, Gergaseo,

17. Hiveo, Arkeo, Sineo,

Genesis 10