Genesis 1:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Nang pasimula, nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.

2. Ang mundo noon ay wala pang anyo at wala pang laman. Ang tubig na bumabalot sa mundo ay balot ng kadiliman. At ang Espiritu ng Dios ay kumikilos sa ibabaw ng mga tubig.

3. Sinabi ng Dios, “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga ng liwanag.

4. Nasiyahan ang Dios sa liwanag na nakita niya. Pagkatapos, inihiwalay niya ang liwanag sa kadiliman.

5. Tinawag niyang “araw” ang liwanag, at “gabi” naman ang kadiliman. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang unang araw.

6. Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng pagitan na maghihiwalay sa tubig sa dalawang bahagi.”

17-18. Inilagay ng Dios ang mga ito sa kalangitan para magbigay-liwanag sa mundo kung araw at gabi, at para ihiwalay ang liwanag sa dilim. At nasiyahan ang Dios sa nakita niya.

Genesis 1