Galacia 4:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Ito ang ibig kong sabihin: Habang bata pa ang tagapagmana, wala siyang ipinagkaiba sa mga alipin kahit kanya ang lahat ng ari-arian.

2. Itinatagubilin siya sa mga taong nag-aalaga sa kanya at namamahala ng mga ari-arian niya hanggang sa araw na itinakda ng kanyang ama.

3. Ganoon din naman ang kalagayan natin bago dumating si Cristo  – inalipin tayo ng mga panuntunan ng mundong ito.

4. Ngunit nang dumating na ang takdang panahon, isinugo ng Dios ang kanyang Anak sa mundo. Ipinanganak siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan

Galacia 4