Galacia 3:25-28 Ang Salita ng Dios (ASND)

25. At ngayong may pananampalataya na, wala na tayo sa patnubay ng Kautusan na tagapag-alaga.

26. Kayong lahat ay mga anak ng Dios dahil sa pananampalataya ninyo kay Cristo Jesus.

27. Sapagkat binautismuhan kayo sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo at namumuhay kayong katulad niya.

28. Ngayon, wala nang pagkakaiba ang Judio sa hindi Judio, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae. Kayong lahat ay iisa na dahil kayoʼy nakay Cristo na.

Galacia 3