1. Mula kay Pablo, kasama si Timoteo na kapwa ko lingkod ni Jesu-Cristo.Mahal kong mga banal na nakay Cristo Jesus diyan sa Filipos, kasama ng mga namumuno sa inyo at ng mga tumutulong sa kanila:
2. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
3. Tuwing naaalala ko kayo, nagpapasalamat ako sa Dios,
4. at palagi akong masaya sa tuwing nananalangin ako para sa inyong lahat;
5. dahil mula pa nang sumampalataya kayo hanggang ngayon ay katulong ko na kayo sa pagpapalaganap ng Magandang Balita.
6. Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus.