21. Sumulat ako dahil malaki ang tiwala kong pagbibigyan mo ang aking kahilingan, at alam kong higit pa roon ang iyong gagawin.
22. Siya nga pala, ipaghanda mo ako ng matutuluyan, dahil umaasa akong makakabalik sa inyo dahil sa inyong panalangin.
23. Kinukumusta ka ni Epafras na kapwa ko bilanggo dahil kay Cristo Jesus.
24. Kinukumusta ka rin ng mga kamanggagawa kong sina Marcos, Aristarcus, Demas at Lucas.
25. Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Jesu-Cristo.