Filemon 1:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Mula kay Pablo na nakabilanggo dahil kay Cristo Jesus, kasama si Timoteo na ating kapatid.Filemon, aming minamahal na kamanggagawa sa Panginoon,

2. kasama si Afia na ating kapatid, si Arkipus na kapwa natin sundalo ni Cristo, at ang mga mananampalatayang nagtitipon sa iyong tahanan sa pagsamba sa Dios:

3. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

4. Lagi akong nagpapasalamat sa Dios sa tuwing ipinapanalangin kita,

5. dahil nabalitaan ko ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus at ang pagmamahal mo sa lahat ng mga pinabanal ng Dios.

6. Idinadalangin ko na sana ang pagiging mapagbigay mo, na bunga ng iyong pananampalataya, ay magpatuloy habang lumalago ang iyong pang-unawa sa lahat ng mabubuting bagay na ibinigay sa atin dahil tayoʼy nakay Cristo.

7. Minamahal kong kapatid, labis na nagbigay kagalakan at kaaliwan sa akin ang iyong pagmamahal sa mga mananampalataya na nagpasigla sa kanila.

8. Ngayon, bilang apostol ni Cristo, maaari kitang utusan kung ano ang dapat mong gawin,

Filemon 1