Ezra 8:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Sinabi ni Ezra, “Ito ang mga pinuno ng mga pamilya na sumama sa akin sa Jerusalem galing sa Babilonia, noong panahon ng paghahari ni Haring Artaserses:

2. si Gershom, na galing sa pamilya ni Finehas;si Daniel, na galing sa pamilya ni Itamar;

3. si Hatush na anak ni Shecania, na galing sa pamilya ni David;si Zacarias at ang 150 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Paros (mayroong talaan ng mga ninuno nila);

4. si Eliehoenai na anak ni Zerahia at ang 200 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Pahat Moab;

5. si Shecania na anak ni Jahaziel at ang 300 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Zatu;

6. si Ebed na anak ni Jonatan at ang 50 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Adin;

26-27. Ito ang aking ipinagkatiwala sa kanila:22 toneladang pilak3 toneladang kasangkapang pilak3 toneladang ginto20 gintong mangkok na mga waloʼt kalahating kilo,2 tansong mangkok na pinakintab na kasinghalaga ng mga mangkok na ginto.

Ezra 8