19. “Ang hangganan naman sa Timog ay simula sa Tamar patungo sa bukal ng Meriba Kadesh hanggang sa Lambak ng Egipto patungo sa Dagat ng Mediteraneo. Ito ang hangganan sa Timog.
20. “Ang hangganan sa kanluran ay ang Dagat ng Mediteraneo hanggang sa tapat ng Lebo Hamat.
21. “Ito ang lupaing paghahati-hatiin ninyo sa bawat lahi.
22. Ito ang pinakamana ninyo at ng mga dayuhang nakatira kasama ninyo na ang mga anak ay ipinanganak sa Israel. Ituring ninyo silang parang tunay na katutubong Israelita, at bigyan din ninyo sila ng lupang mamanahin ng mga lahi ng Israel.
23. Kung saang angkan sila naninirahan, doon din sa angkan na iyon magmumula ang bahagi nilang lupain. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”