Ezekiel 43:21-27 Ang Salita ng Dios (ASND)

21. Pagkatapos, kunin mo ang batang toro na handog sa paglilinis, at sunugin mo sa lugar na pinagsusunugan sa labas ng templo.

22. Kinabukasan, maghandog ka ng lalaking kambing na walang kapintasan at ihandog mo sa paglilinis ng altar, katulad ng ginawa mo sa batang toro.

23. Pagkatapos, kumuha ka ng isang batang toro at isang tupa na walang kapintasan,

24. at ihandog mo sa Panginoon. Lalagyan ito ng asin ng mga pari bago nila ialay sa Panginoon bilang handog na sinusunog.

25. “Sa loob ng isang linggo, maghandog ka sa bawat araw ng isang lalaking kambing, isang toro at isang tupa na pawang walang kapintasan at ialay mo ito bilang handog sa paglilinis.

26. Sa ganitong paraan, malilinis ang altar at maaari nang gamitin pagkatapos.

27. At mula sa ikawalong araw, maghahandog na ang mga pari ng inyong mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon. At tatanggapin ko kayo. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

Ezekiel 43