Ezekiel 42:4-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. at sa harap nito ay may daanang 17 talampakan ang luwang at 170 talampakan ang haba Ang mga pinto nito ay nakaharap sa gawing hilaga.

5. Ang mga silid sa ikatlong palapag ay makipot kaysa sa pangalawang palapag, at ang mga silid sa ikalawang palapag ay mas makipot kaysa sa unang palapag dahil nangangailangan ng daanan ang mga palapag sa itaas.

6. Ang tatlong palapag na ito ay walang haligi, di tulad ng mga nasa bakuran. At dahil magkakapatong ang mga ito, paliit nang paliit ang mga silid nito mula sa itaas pababa.

7. Ang gusaling ito at ang bakuran sa labas ay may pagitang pader na 85 talampakan ang haba.

8. Dahil kung wala ang pader na ito, ang kalahati ng gusali na 85 talampakan ay makikita sa bakuran sa labas. Ang kabuuan ng gusali na may habang 170 talampakan ay makikita sa templo.

Ezekiel 42