Ezekiel 30:13-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. Sinabi pa ng Panginoong Dios, “Wawasakin ko ang mga dios-diosan sa Memfis. Wala nang mamumuno sa Egipto at tatakutin ko ang mga mamamayan nito.

14. Gagawin kong mapanglaw ang Patros, susunugin ko ang Zoan at parurusahan ko ang Tebes.

15. Ibubuhos ko ang galit ko sa Pelosium, ang matibay na tanggulan ng Egipto, at papatayin ko ang maraming taga-Tebes.

16. Susunugin ko ang Egipto! Magtitiis ng hirap ang Pelosium. Mawawasak ang Tebes, at laging matatakot ang Memfis.

Ezekiel 30