Ezekiel 3:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Sinabi pa ng tinig sa akin, “Anak ng tao, kainin mo ang aklat na ito, puntahan mo ang mga mamamayan ng Israel at magsalita ka sa kanila.”

2. Kaya ibinuka ko ang bibig ko at isinubo niya sa akin ang nakabilot na aklat.

3. Sinabi niya sa akin, “Sige, kainin mo iyan at magpakabusog ka.” Kinain ko ang aklat, matamis ang lasa nito gaya ng pulot.

4. Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, puntahan mo ang mga mamamayan ng Israel at sabihin mo sa kanila ang ipinapasabi ko sa iyo.

Ezekiel 3